ARAW 3

PAGPANAW NG KANYANG INA

Gabi ng Pebrero 1869. Namatay  si Doña Rafaela, ang kanilang ina.  “Nakita niya  ang liwanag. Ang liwanag na pumasok sa lahat  ng  bintana ng buhay “… Ilang taon na ang lumipas,  naalala pa rin  ni Rafaela  Maria ang  sakit ng gabing iyon. Ang pagkamatay ng  isang taong pinakamamahal nya. Ito ay isang malalim na  sakit na ganap  na sumalakay sa lahat. Tanging nakaugat sa  pananampalataya, pag-asa at pag-ibig ang maaaring  patuloy na gumalaw sa  mga sandaling iyon. Ang pag-asa   ay nagpapatahimik sa atin at, pagkatapos, dahan-dahan, ang   bagyo ay humupa, ang  tubig ay  naninirahan at  unti-unti, bumalik   sa kanyang  landas.  Ang pananampalataya ay nagpapanatili sa ating mga paa.  Ang pag-ibig ay tumatawag sa  atin mula sa  ating sarili, sa pag unlad  sa buhay.  Mula lamang doon nakukuha ng  sakit  ang lahat nang malalim na kahulugan nito.  Pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Ang  magiliw na pag-aalaga  at pagmamahal ni Rafaela Maria   ang gumabay sa kanyang ina hangang sa dulo, sa  kahirapan at natatanging pagbabago na dapat  daanan ng bawat tao.  Napakalalim  ang nadama niya sa  mga sandaling iyon, na tumagos  sa  kanyang puso! Sa  katahimikan,  hinawakan ni Rafaela  Maria ang kamay ng kanyang ina  sa  mga huling sandaling  iyon ng kanyang  buhay sa mundo.

At doon , nabuksan ang sakit sa damdaming nagmula sa Diyos, at nasilayan niya ang kahulugan ng kanyang sariling buhay: Ang magmahal, magmahal  at  magmahal pa.  “Ang pag-ibig ay nagtatagumpay sa lahat.”

Ilang pangyayari sa  buhay ko na malinaw kong nakita ang awa   at kalooban  ng Diyos.

Ang pagkamatay ng aking ina; sa piling ko pumikit ang kanyang mga  mata  dahil  nag-iisa ako  na kasama niya sa  oras na iyon,  Nabuksan ang mga   mata  ng    aking kaluluwa na  may kahinaan ng loob;  na tila  ba   ang buhay ay   pagpapatapon lamang.  Labing  anim na  taong gulang ako noon. Habang hawak    ang  kamay niya, nangako ako sa  Panginoon na hindi ako  kailanman magmamahal sa sinumang nilalang sa lupa. At tila ba tinanggap ng  Panginoon ang aking alok, dahil sa  araw na  iyon ay pinanatili niya akong  abala sa  mga pinakadakilang kaisipan: walang  tungkol  sa  lahat ng bagay  sa  lupa bagkus  ang tanging   kailangan, na   hangad lamang ay ang  walang hanggan, na ganap na nagpapaalis ng kalungkutan.  Ang panalanging ito   ay nakaukit  sa  aking kalooban sa paraang hindi lamang sa  araw na iyon, kundi sa  buong buhay  ko ay nagsilbing inspirasyon ito para sa kabanalan. ‘At ako, para saan ako ipinanganak?  Upang maligtas’, atbp.

Bawat araw ay patuloy akong  pumapasok  sa  aking sarili at  sa patnubay mula sa Diyos  na  siyang humuhubog  sa akin…”

“Ako  ay  naparito upang kayo ay magkaroon ng  buhay at magkaroon nito nang sagana.” (Jn 10  :10)

Tulad ni Raphaela Maria,    mula sa  kaibuturan ng aking puso, na may pananalig na  “Ako ay lubos na  para sa Diyos,” itinatanong ko   sa  Kanya: Ano ang kalooban Mo sa akin,  aking Diyos at Panginoon ko? 

PANALANGIN KAY STA. RAPHAELA MARIA

Sta. Raphaela Maria, ngayon ay nananalangin kami  na gamit  ang iyong mga salita:

“Tanging kay  Hesus, sa pamamagitan ni Hesus at para kay Hesus, 

Ang buong  buhay ko  at buong puso ko,   at  magpakailanman.”  

Ang buhay  ko ay  ganap na para sa iyo, Panginoon. 

“Napakalakas ng  bagyong  dinaraanan  ng  kawawang bangkang ito!  

Subalit  dadalhin  ito  ng Diyos sa isang masayang daungan.”

Lahat ng  lungkot ko, ng  sakit ko, iniiwan  ko sa iyo.  

“Sa Iyo, o  Panginoon,  inilagay ko  ang lahat ng  aking tiwala”.

 Sa iyo, iniiwan ko  ang lahat nang  sa akin. 

“Ang buhay ko ay patuloy na magpapadama ng pagmamahal…

upang gawin  ang lahat ng  ating makakaya,  upang ang lahat ng mga taong  nakapaligid sa  atin ay magkaroon  ng masayang buhay: ito   ang tunay na pag ibig  sa kapwa.”  

Tulungan mo akong isabuhay ang tawag na ito.

“Ang magmahal  at patuloy na magmahal. 

Ang pag-ibig ay nagtatagumpay sa lahat; 

 walang tigil na  humingi ng pagmamahal na ito.”

“Nagpapasalamat ako  sa  iyo mula sa aking  puso, 

na para bang  narinig mo na ako, ganyan ang  aking pagtitiwala sa Iyo,  O aking pinakamatamis    na Hesus.” 

Sta. Raphaela Maria, mamagitan ka para sa amin.  

Nais naming  mabuhay at mamuhay  sa espiritu 

at  diwang  katulad nito.  Amen.