ARAW 5

ANG PAGKAKATATAG NG INSTITUTO SA MADRID

Noong Abril 3, 1877, ikatlo  ng umaga, 14 na dalaga ang nagkatipun-tipon  sa kapilya ng Ospital ng Andújar at mula roon, umalis sila patungong Madrid. Sinalubong  sila nina  Pilar at Maria de San Ignacio sa estasyon ng Atocha.  Pumunta silang  Ospital ng Prinsesa, na pinamamahalaan ng mga madre ng  Daughters of Charity,  sila ang nagbigay ng bukas-palad na tulong sa mga unang madre ng Kongregasyon. Dala ang kakaunting mga ari-arian at nakasakay sa isang ikatlong klaseng karo, hinarap nila ang  pakikipagsapalaran at mga pagsubok sa paglalakbay.

Noong gabi ng Abril 6, lumipat sila sa isang inuupahang apartamento sa  #12 Bola Street. Doon sila nagsimulang mamuhay sa Komunidad  bilang mga relihiyosa. Ngunit hindi umabot ng dalawang buwan ang kanilang pananatili sa bahay na iyon. Mahirap ang kalagayan ng kanilang pamumuhay at nasa  mapanganib na kalagayan ang kanilang  kalusugan. Gayunpaman, pinagbuklod sila ng panalangin at  buhay-komunidad. Samantalang sa mga bintana ng bahay, maririnig ang  ingay sa kalye, sa kapilya naman makikita ang mga madre ….lumuluhod sa kanilang mataimtim  at matahimik na Adoration.  Naririto ang mga  pusong nag-aalab sa mapagpakumbabang pagmamahal.

Di-nagtagal, nagkaroon ng isa pang paglipat sa kapitbahayan ng Chamberí; higit na malaki at may hardin, malayo ito  sa buhay ng lungsod para isabuhay  at isakatuparan ang layuning apostoliko ng mga madre. Gayunpaman, doon, noong Hunyo 8, 1877, sa Kapistahan ng Sagradong Mahal na Puso ni Hesus ginanap  ang First Vows  ng mga tagapagtatag: Raphaela Maria at Pilar. 

Hinarap nila ang isang kaguluhan sa bagong bahay: kung paano “ilalagay si Kristo para sa Adoration ng mga tao,”  “upang makilala at mahalin siya ng lahat  na tao,”… napakalayo ng bahay na ito sa buhay ng mga tao. Nadama nila na ang apostolikong kahulugan ng Eukaristiya ay hindi ganap na  naisasakatuparan  doon. 

At kaya, isa pang paglipat ang naganap … sa pagkakataong ito sa isang bahay sa Paseo del Obelisco, naisakatuparang  “ilagay si Kristo sa Adoration  ng mga tao,”  anupa´t ganap na  naisabuhay  nila ang alam  nilang totoo na: “Ang Eukaristiya ay ang buhay ng Instituto, katulad na ang ugat ng puno ay buhay nito.”

Doon din, sa unang palapag ng kanilang bahay, binuksan  ang isang maliit na paaralan. 

Sa mga huling buwan ng 1879: mayroong labimpitong (17)  madre na  may tempoarary vows kasama  ang ilang mga Nobisya… Masaya  silang  nabuhay sa komunidad na nakaugat sa Eukaristiya… ang Statutes of the Institute ay patungo sa huling pag-apruba . .ay nasa huling yugto ng approval /pagtanggap nito. .  ito  ang panahon ng patuloy na pasasalamat!

“… Ganap  na pagtitiwala sa ating Panginoon,  maniwalang tutulungan tayo ng Diyos, dahil ibig niyang gawin ito; manalangin nang may pagpapakumbaba at ibigay  sa Kanya ang lahat nang ating pangangailangan at hangarin. Ang ating buong buhay ay isang patuloy na paghabi ng pananampalataya at pagkabukas-palad; Alam na alam mo kung gaano kaliit ang suporta ng tao para sa ating ikabubuti; Tila mithiin ng Diyos na gawing mag-isa  ang lahat para sa ating Kongregasyon   sa ganito, magiging magandang higit ang bunga, at makatitiyak tayo..”(Liham kay M. María de San Ignacio, 1882)

“Magiliw siyang tiningnan ni Hesus at sinabi, “May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” (Mc 10:21)

Ang buhay ko ba ay paghabi ng pananampalataya at pagkabukas-palad? Nakalagay ba sa Diyos ang tiwala ko? Hinahangad ko bang maunawaan ang kalooban ng Diyos para sa aking buhay  at tanggapin ito?

PANALANGIN KAY STA RAPHAELA MARIA

Dasalin  natin ang mga salitang ito ni Rafaela  Maria  na hinango mula sa isang liham kay Madre Maria Theresa:

          ”Ama na sentro ng aking pagkatao, ito ako, kahirapan at kawalan, ngunit ikaw ay kadakilaan at makapangyarihan; ipagkaloob mo sa akin, Ama ang sentro ng aking pagkatao, (ang kadakilaan) na mabuhay sa mundong ito, at manahan sa aking sarili, ipagkaloob mo sa akin ang kapangyarihan upang ako ang maging pinakamaayang larawan mo sa loob at labas, at makagawa, hindi lamang ng mga pang-araw-araw na mga bagay, kundi maging ng mga himala para sa iyong pinakadakilang karangalan at kaluwalhatian.

Sa parehong sulat, iginiit niya: “Mahalin natin nang buong- buo si Hesus; gumawa tayo ng mga himala kung ibig niya, kasabay ng  kanyang banal na biyaya, at sa bawat sandali,  ipakita natin sa kanya ang ating mga kakulangan  nang may pakumbaba at kabutihan; at higit sa lahat, lubusan nating kalimutan ang ating mga sarili nang maalala natin ang ating Diyos- hindi ba siya karapatdapat  sa ganito? Ito ang biyayang hihilingin sa iyo ng nagmamahal sa iyo.”

Sta,  Raphaela Maria, ipanalangin mo kami. Amen

        “Maria ng Sagradong  Puso ni Hesus.”