ARAW 9

PAGPANAW NI STA. RAPHAELA MARIA

Sa kanyang mga huling taon,  si  Raphaela Maria ay gumugol ng maraming oras na nakaupo sa isang duyan;  hindi siya malayang  makagalaw dahil sa di- magandang  kalagayan ng kanyang tuhod. Tiyak na maraming iba´t ibang larawan  ang  dumaan sa kanyang isipan habang  naroroon siyang  nakaupo  – ang pelikula ng kanyang buhay ay puno ng pangalan, mukha, pagtatagpo, hangarin…walang alinlangang kasama rito ang mahaba at malalim  na pakikipag-usap sa kanyang Diyos. Hindi mabilang ang  oras ng panalangin, ng matalik na pakikiisa sa kanyang Hesus.  Alalahanin natin ang pangyayari kung kailan nakita siya ng kanyang Nars na nahihirapang naglalakad; tinatanong  kung bakit hindi siya nananatili sa lugal na pinakamalapit sa kanyang  silid…tumugon siya:  “dahil gusto kong maging  higit na  malapit kay Hesus.” Sa mga huling sandali ng kanyang buhay,   muli siyang tinanong  ng kanyang  tagapag-alaga kung ano ang sinasabi niya sa Panginoon sa loob ng napakaraming  oras ng  Adoration. at sinagot niya ito: “tinitingnan ko siya at tinitingnan niya ako.”. 

Ang kanyang nakatalagang-buhay  ay isang buhay  ng pagtalima at katapatan , isang buhay na ginugol para sa Kaharian;  isang buhay na ganap at  namumuhay   sa araw-araw na pagtugis sa mga “Magis” at sa kaluwalhatian ng Diyos. …Ang paglingkuran ang  napakadakilang Paanginoon “ ay  ang kanyang kagalakan  at ang kanyang buhay  ay saksi ng pagiging bukas-palad, pasasalamat, malalim na kalayaan,  kahulugan, kaliwanagan at huwarang lakas. 

Maglaan tayo ng ilang sandali upang isalaysay ang kanyang kamatayan:

“Noong Enero 6, 1925, nagising si Maria del Sagrado Corazon na higit na  malala kaysa karaniwan. “Ano ito, Mother? Kinausap siya ng Nars na may pagmamahal. “Gusto mo bang umalis kasama ang Bata magpakailan man?” “Sa tingin ko.”  napakakalmang sagot ng babaeng maysakit. “Pakiusap, Sister,” kapg tila mamamatay na ako, tuluy-tuloy mong ibulong sa aking tainga angpangalan ni Hesus. Wala na akong kakayahang 

magsabi nito, ngunit nais ko itong  marinig hangggang sa aking huling hininga.”

May mga sinabi pa siya pagkatapos noon. Siya ay  tiyak na nakatutokmsa kabilang baybayin , kung saan ang mga salita ay hindi gaanong mahalaga. Nang dumating si Padre Marchetti, ang Heswita na nagging Kompesor niya sa loob ng maraming taon , 

wala na siyang masaabi sa kanya. Tila siya ay nasa mahimbing na pagkakatulog, ngunit idinilat niya ang kanyang mga mata, malinaw pa rin, at tumingin sa pari na parang nagpapaalam sa kanya.  ng ikaanim ng hapon ay marahan siyang pumanaw. Kasabay nito sa simbahan ng Via Piave, ang kanyang simbahan, ay ang “benediction” ng Banal na Sakramento. 

Dukha sa espiritu ngunit malaya hanggan sa wakas, at lalo na ngayon, sa mga pintuan ng kawalanghanggan, itinuon ni Maria ang Sagradong Puso ang kanynag malinaw na tingin kay  kay Maria Puriosima at gumawa ng pinakamataas na rekomendasyon: “Maging mapgpakumbaba, mapagpakumbaba, mapagpakimbaba tayo dahil ssa lamang natin maaakit ag mga pagpapala ng Diyos.”

Sa hulingliham na inilathala mula sa kanya, na may petsang Disyembre 3, 1924, sumulaqt siya kaaay  Don Antonio Perez Bacas, isang matagal nang kaibigang pari, upang ialay ang kanyang pakikiramay  sa biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid. Sa liham na sinulat niya, “ dapat sa lahat nang bagay  ay sumunod sa pinakabanal na kalooban ng Panginon, na sa lahat ng panahon ay higit na nakakaalam kaysa sa atin kung ano ang makabuuti para sa bawat isa.”

Nangmakita ni Hesus ang k anyang Ina!”  at ang minamahal niyang alagad  na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ina, ituring mo siyang sariling anak!” At sinabi niya sa Alagad, “Ituring mo siyang Ina!” Mula noon, sa bahay na ng Alagad na ito tumira ang ina ni Hesus. Pagkatapos nito, pagkaalam ni Hesus na ang lahat ng mga bagy ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi,nauuhawa ako. Mayroon doon isang sisidlang puno ng suka: kaya·t naglagay sila ng isnag esponghang basa ng suka sa isang tukod an isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig. Nang matanggap nga ni Hesus ang suka, ay sinabi niya, naganap na: at iniyukayok abng kaniyang lo, at nalagot ang kanyang hininga.(Jn 19, 26-30)

Sa pagmumuni-muni ko ng  aking karanasan sa buhay sa mga sandaling  ito, tinatanong ko ang aking sarili: Ano ang  magiging “Epitaph ng aking buhay?”

PANALANGIN KAY STA RAPHAELA MARIA

Kasama si  Sta. Raphaela, idinadalangin namin ang kanyang “Alay Bilang Bitktima ng Pag-ibig:”

Diyos ko at Panginoon, natatakot akong isuko ang aking sarili sa iyong banal na kalooban na parang ikaw ay isang  mahigpit na hukom at hindi isang mapagmahal  na Ama, at dito ko sinasaktan ang iyong  walang katapusang  awa,  kung saan nakatanggap ako ng naapakaraming  mga patunay  sa buong buhay ko.  Ito ay tapos na at  sa sandaling ito ay isinusuko ko  ang aking sarili nawalang  pasubali sa iyong banal  na kalooban, magig matamis man ito o mapait upang magamit mo ako  ayon sa nais mo , aking Hesus,  dahil kungpaanong ako ay iyo sa di mabilang na pagkakataon, ikaw ay mayroo ganap na karapatan.

Umaasa ako sa iyong biyaya, na patayin agad aking mga pagnanasa, makuntento sa lahat ng baagay  at magsabi ng oo sa lahat, at patuloy na pagyamanin ang napakalaking pagtitiwala sa iyo, na ang bawat pangyayari, kahit na ito ay kahihiyan at paghigirap , tinatanggap ko ito bilang  isang pinakamahalagan regalo ng pag-ibig  kung saan ang iyong banal  na puso ay nag-aalab para sa akin.”

Ang iyong mga salita ay mahirap at mahiwaga,  ngunit ang mga ito ay puno ng pag-ibig at ng pananlig na nagmumulasa pagkakilala sa iyong sarili na lubusang kilala at lubos na minahal  at ianalagaan ng Diyos Binigyan ka ng Panginoon ng biya ng malalim na kalayaan sa loob , nagbibigay daan sa iyo  na gawin ang iyong buhay, na matibay na pundasyon ng Institutto na minaqhal mo, binigyan ng  buhay. , nawa?y bigyan niya tayp ng biyayang  mamuhay ng may napakalaking  paagtitiwala at katapatan. Amen

Roma, Disyembre 20, 1900…

Maria ng Sagradong Puso ni Hesus.

Biktima ng  pag-ibig