Noong Abril 3, 1877, ikatlo ng umaga, 14 na dalaga ang nagkatipun-tipon sa kapilya ng Ospital ng Andújar at mula roon, umalis sila patungong Madrid. Sinalubong sila nina Pilar at Maria de San Ignacio sa estasyon ng Atocha. Pumunta silang Ospital ng Prinsesa, na pinamamahalaan ng mga madre ng Daughters of Charity, sila ang nagbigay ng bukas-palad na tulong sa mga unang madre ng Kongregasyon. Dala ang kakaunting mga ari-arian at nakasakay sa isang ikatlong klaseng karo, hinarap nila ang pakikipagsapalaran at mga pagsubok sa paglalakbay.
Noong gabi ng Abril 6, lumipat sila sa isang inuupahang apartamento sa #12 Bola Street. Doon sila nagsimulang mamuhay sa Komunidad bilang mga relihiyosa. Ngunit hindi umabot ng dalawang buwan ang kanilang pananatili sa bahay na iyon. Mahirap ang kalagayan ng kanilang pamumuhay at nasa mapanganib na kalagayan ang kanilang kalusugan. Gayunpaman, pinagbuklod sila ng panalangin at buhay-komunidad. Samantalang sa mga bintana ng bahay, maririnig ang ingay sa kalye, sa kapilya naman makikita ang mga madre ….lumuluhod sa kanilang mataimtim at matahimik na Adoration. Naririto ang mga pusong nag-aalab sa mapagpakumbabang pagmamahal.
Di-nagtagal, nagkaroon ng isa pang paglipat sa kapitbahayan ng Chamberí; higit na malaki at may hardin, malayo ito sa buhay ng lungsod para isabuhay at isakatuparan ang layuning apostoliko ng mga madre. Gayunpaman, doon, noong Hunyo 8, 1877, sa Kapistahan ng Sagradong Mahal na Puso ni Hesus ginanap ang First Vows ng mga tagapagtatag: Raphaela Maria at Pilar.
Hinarap nila ang isang kaguluhan sa bagong bahay: kung paano “ilalagay si Kristo para sa Adoration ng mga tao,” “upang makilala at mahalin siya ng lahat na tao,”… napakalayo ng bahay na ito sa buhay ng mga tao. Nadama nila na ang apostolikong kahulugan ng Eukaristiya ay hindi ganap na naisasakatuparan doon.
At kaya, isa pang paglipat ang naganap … sa pagkakataong ito sa isang bahay sa Paseo del Obelisco, naisakatuparang “ilagay si Kristo sa Adoration ng mga tao,” anupa´t ganap na naisabuhay nila ang alam nilang totoo na: “Ang Eukaristiya ay ang buhay ng Instituto, katulad na ang ugat ng puno ay buhay nito.”
Doon din, sa unang palapag ng kanilang bahay, binuksan ang isang maliit na paaralan.
Sa mga huling buwan ng 1879: mayroong labimpitong (17) madre na may tempoarary vows kasama ang ilang mga Nobisya… Masaya silang nabuhay sa komunidad na nakaugat sa Eukaristiya… ang Statutes of the Institute ay patungo sa huling pag-apruba . .ay nasa huling yugto ng approval /pagtanggap nito. . ito ang panahon ng patuloy na pasasalamat!
“… Ganap na pagtitiwala sa ating Panginoon, maniwalang tutulungan tayo ng Diyos, dahil ibig niyang gawin ito; manalangin nang may pagpapakumbaba at ibigay sa Kanya ang lahat nang ating pangangailangan at hangarin. Ang ating buong buhay ay isang patuloy na paghabi ng pananampalataya at pagkabukas-palad; Alam na alam mo kung gaano kaliit ang suporta ng tao para sa ating ikabubuti; Tila mithiin ng Diyos na gawing mag-isa ang lahat para sa ating Kongregasyon sa ganito, magiging magandang higit ang bunga, at makatitiyak tayo..”(Liham kay M. María de San Ignacio, 1882)
“Magiliw siyang tiningnan ni Hesus at sinabi, “May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” (Mc 10:21)
Ang buhay ko ba ay paghabi ng pananampalataya at pagkabukas-palad? Nakalagay ba sa Diyos ang tiwala ko? Hinahangad ko bang maunawaan ang kalooban ng Diyos para sa aking buhay at tanggapin ito?
Dasalin natin ang mga salitang ito ni Rafaela Maria na hinango mula sa isang liham kay Madre Maria Theresa:
”Ama na sentro ng aking pagkatao, ito ako, kahirapan at kawalan, ngunit ikaw ay kadakilaan at makapangyarihan; ipagkaloob mo sa akin, Ama ang sentro ng aking pagkatao, (ang kadakilaan) na mabuhay sa mundong ito, at manahan sa aking sarili, ipagkaloob mo sa akin ang kapangyarihan upang ako ang maging pinakamaayang larawan mo sa loob at labas, at makagawa, hindi lamang ng mga pang-araw-araw na mga bagay, kundi maging ng mga himala para sa iyong pinakadakilang karangalan at kaluwalhatian.
Sa parehong sulat, iginiit niya: “Mahalin natin nang buong- buo si Hesus; gumawa tayo ng mga himala kung ibig niya, kasabay ng kanyang banal na biyaya, at sa bawat sandali, ipakita natin sa kanya ang ating mga kakulangan nang may pakumbaba at kabutihan; at higit sa lahat, lubusan nating kalimutan ang ating mga sarili nang maalala natin ang ating Diyos- hindi ba siya karapatdapat sa ganito? Ito ang biyayang hihilingin sa iyo ng nagmamahal sa iyo.”
Sta, Raphaela Maria, ipanalangin mo kami. Amen
“Maria ng Sagradong Puso ni Hesus.”
Cookie | Duración | Descripción |
---|---|---|
cookielawinfo-checkbox-advertisement | 1 year | Set by the GDPR Cookie Consent plugin, this cookie is used to record the user consent for the cookies in the "Advertisement" category . |
cookielawinfo-checkbox-analytics | 1 year | Set by the GDPR Cookie Consent plugin, this cookie is used to record the user consent for the cookies in the "Analytics" category . |
cookielawinfo-checkbox-functional | 1 year | The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin to record the user consent for the cookies in the category "Functional". |
cookielawinfo-checkbox-necessary | 1 year | Set by the GDPR Cookie Consent plugin, this cookie is used to record the user consent for the cookies in the "Necessary" category . |
cookielawinfo-checkbox-non-necessary | 1 year | Set by the GDPR Cookie Consent plugin, this cookie is used to record the user consent for the cookies in the "Non-necessary" category . |
cookielawinfo-checkbox-others | 1 year | Set by the GDPR Cookie Consent plugin, this cookie is used to store the user consent for cookies in the category "Others". |
cookielawinfo-checkbox-performance | 1 year | Set by the GDPR Cookie Consent plugin, this cookie is used to store the user consent for cookies in the category "Performance". |
CookieLawInfoConsent | 1 year | Records the default button state of the corresponding category & the status of CCPA. It works only in coordination with the primary cookie. |
Cookie | Duración | Descripción |
---|---|---|
CONSENT | 2 years | YouTube sets this cookie via embedded youtube-videos and registers anonymous statistical data. |
Cookie | Duración | Descripción |
---|---|---|
VISITOR_INFO1_LIVE | 5 months 27 days | A cookie set by YouTube to measure bandwidth that determines whether the user gets the new or old player interface. |
YSC | session | YSC cookie is set by Youtube and is used to track the views of embedded videos on Youtube pages. |
yt-remote-connected-devices | never | YouTube sets this cookie to store the video preferences of the user using embedded YouTube video. |
yt-remote-device-id | never | YouTube sets this cookie to store the video preferences of the user using embedded YouTube video. |
Avisos